‘Not guilty’ plea inihain ni Ronnie Ricketts sa kasong graft

NAGPASOK ng “not guilty” plea si Optical Media Board (OMB) chair Ronnie Ricketts nang basahan ng sakdal sa kasong graft na isinampa laban sa kanya kaugnay sa di umano’y pagpapalabas niya ng mga kumpiskadong pirated DVD noong 2010 na gagamitin sanang ebidensiya laban sa isang kompanya.

Ang kanyang mga co-accused na sina Manuel Mangubat, pinuno ng OMB’s Enforcement and Inspection Division (EID), Investigation Agent I Joseph Arnaldo at Computer Operator Glenn Perez ay nagpasok din ng not guilty plea.

Sa kasong isinampa kay Rickettes, nagbigay diumano ito ng “undue preference” sa  Sky High Marketing Corp. nang iutos nito na kumpiskahin ang pirated DVD at VCD ng mga ito at ilagak sa opisina ng OMB, ngunit sa kahulihan ay pinalabas din ang mga ito.

Noong May 27, 2010, nakakumpiska ang OMB ng 127 kahon at dalawang sako ng DVD at VCD at video recording human IPC.  Tatlong Chinese national din ang naaresto sa nasabing raid sa Quiapo, Maynila.

Dinala ang mga nakumpiskang kontrabando sa tanggapan ng OMB ngunit kinagabihan ay ini-release din umano ang mga ito nang walang kaukulang gate pass at isinakay sa isang sasakyan na pag-aari ng Sky High.

Isa pang co-accused ni Ricketts na si Executive Director Cyrus Paul Valenzuela, ang babasahan ng sakdal sa Agosto 13.

Read more...