Bulacan kampeon sa Batang Pinoy softball | Bandera

Bulacan kampeon sa Batang Pinoy softball

Mike Lee - July 23, 2015 - 01:00 AM

HINIRITAN ng Bulacan ang Pasig ng 7-0 shutout panalo para tanghaling kampeon sa softball sa 2015 Batang Pinoy Luzon elimination kahapon sa Bulacan Sports Complex sa Malolos, Bulacan.

Nilimitahan ni 14-anyos pitcher Alma Tauli sa limang hits lamang ang mga katunggali habang kinapitalisa ng home team ang mga errors ng Pasig para sa kanilang unang apat na runs tungo sa panalo sa larong umabot lamang ng limang innings.

Bumanat ng run-double si Jovelyn Policarpio at nakasama sina Engel Rose Libaton at Alyssa Jean Alindogan na may tig-dalawang runs upang makuha ng Bulacan ang pangalawang kampeonato matapos mapagharian ang Philippine Series Little League Juniors division noong Mayo.

Ang tagumpay sa Philippine Series ang nagtalaga sa Bulacan para maging kinatawan ng Pilipinas sa World Junior Series sa Kirkland, Washington mula Agosto 2 hanggang 8.

“Ito ang unang pagkakataon na makakalaro sa junior world series ang Bulacan at maganda ang pagsali namin sa Batang Pinoy dahil nakakuha pa ng karanasan ang mga players.  Ibang level ang world series and nobody is expecting us to win it, pero we will give our best,” wika ni coach Rico Gravador.

Itinanghal na kampeon sa baseball ang Muntinlupa habang winalis ng Sta. Rosa, Laguna ang dalawang titulo sa volleyball sa palarong inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) katuwang si Bulacan Governor Willie Sy-Alvarado.

Umalagwa ang Muntinlupa sa 9-0 matapos lamang ang ikatlong inning tungo sa 18-8 panalo sa Tanauan sa baseball finals.

Diniskartehan ni  Alvin Mamuyac  ang Sta. Rosa boys volleyball team tungo sa 25-13, 21-25, 25-23, panalo sa General Trias (Cavite), 25-13, 21-25, 25-23, habang ang girls team na diniskartehan ni Lerma Giron ay bumangon mula sa first set na pagkatalo para sa 16-25, 25-18, 25-20 tagumpay sa Bagbag, Quezon City.

Nagpatuloy naman ang paghakot ng ginto ng 12-anyos na si Alyza Paige Ng matapos manalo pa sa girls’ 12-under 200m breaststroke (3:15:61) at napabilang sa girls’ 15-under 200m freestyle relay team (2:02.97) para umabot na sa apat ang gintong napanalunan.

Ang host Malolos ay ibinabandera naman ni Raphael Henrico Santos na may dalawang napanalunang ginto na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending