Kapamilya child star pangarap maging titser, mayor ng Makati
MASWERTE talaga ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Beauty Gonzales. Kung inakala kasi ng marami na hindi pangbida ang beauty niya, pwes, nagkamali sila ng akala.
Pagkatapos ngang mamayagpag ang career ng Kapamilya actress sa seryeng Dream Dad kung saan nakasama niya si Zanjoe Marudo, heto’t binigyan uli siya ng bonggang project ng ABS-CBN.
Muling makakasama ni Beauty ang anak-anakan niya sa Dream Dad na si Jana Agoncillo sa upcoming daytime series ng ABS-CBN na Ningning na siyang papalit sa magtatapos nang Oh My G!.
Kung noon ay puro supporting roles ang ginagawa niya sa mga serye ng Dos, ngayon ay pang-leading lady na talaga siya.
In fairness, pumatok talaga ang tambalan nila ni Zanjoe sa Dream Dad kaya naman hindi nagdalawang-isip ang Star TV na ibigay kay Beauty ang role bilang nanay ng bagong child superstar na si Jana sa Ningning.
“Thankful din ako sa Dream Dad kasi dati sanay ako na kapag sinabi ng bida na ‘Tara’ ako rin magsasabi ng ‘Tara!’” ayon kay Beauty nang makachika ng entertainment media sa presscon ng Ningning nitong nakaraang Martes.
Pero natanong ang dalaga kung okay lang sa kanya na ma-typecast sa mother roles, gayung 24 years old pa lang siya, “Before the interview I was already thinking about it na baka may magtanong sa akin na press about it.
“You know I’m very happy to do any kind of roles kasi dati sa ‘Starting Over Again’ maliit lang ang role ko doon pero awa ng Diyos tumatak ‘yung role ko.
Sa trabahong ito hindi naman mahalaga kung ano ang role mo it’s how you portray that role and how you made the people love your role,” esplika pa ni Beauty.
Pero nilinaw ng aktres na kahit gumaganap na siyang nanay, wala pa naman sa plano niya ang mag-asawa at manganak.
Happy ngayon ang dalaga sa piling ng kanyang boyfriend na si Norman Crisologo, isang art curator.
“Yeah. But it doesn’t mean that when he offers marriage I’m going to get married the next day.
I mean I’m more open sa long-term engagement. Wala naman akong ganun na kasal na agad,” a ni Beauty.
Pero napag-uusapan na raw nila ni Norman ang future wedding nila, “Yeah we’ve been talking about it. We’ve been making jokes about it. I don’t know ayokong pangunahan kasi baka maudlot.”
Dugtong pa ng aktres, “You know, I never get into a relationship na makikita ko ang sarili ko na not getting married kasi babae rin naman po ako. Ayoko ng papalit palit na boyfriend.”
Anyway, ang co-star niya noon sa Dream Dad na si Ketchup Eusebio ang gaganap na asawa niya sa Ningning, ang magiging tatay sa kuwento ni Jana.
Ka-join din dito sina Sylvia Sanchez, Rommel Padilla, Vandolph, Nyoy Volante, Mercedes Cabral, Pooh, John Steven de Guzman, Franci Daza at Nonie Buencamino na absent sa ginanap na presscon.
Hindi pa siguro handa ang award-winning character actor na humarap sa press pagkatapos ng nangyari sa kanyang anak na si Julia Louise.
Magsisimula na ang Ningning sa July 27 bago mag-It’s Showtime sa ABS-CBN, sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian.
Tawanan naman ang entertainment press sa naging sagot ng child superstar na si Jana Agoncillo sa isang tanong sa kanya during the question and answer portion sa presscon ng Ningning.
Tinanong kasi si Jana kung ano ang pangarap niya sa buhay bago pa siya pumasok sa showbiz, ang tugon ng bagets, “Gusto ko pa ma- ging teacher.
Tsaka po, gusto kong ma- ging mayor…mayor po ng Makati,” na talagang ikinahagalpak ng mga reporter.
Nang tanungin kung bakit niya gustong maging mayor ng Makati, “Wala lang po, basta yun lang po ang gusto ko.” Ha-hahaha! Ayaw ng mga Binay ng ganyan, Jana, ha!
Puring-puri pa rin ang cute na cute na bagets ng mga kasamahan niya sa Ningning, lalo na ang gumaganap na lola niya sa serye na si Sylvia Sanchez.
Naniniwala siya na magiging malaking bituin din ang bata dahil sa natural na talento nito sa akting.
Sey ni Sylvia, “Napakanatural ng bata, napakagaling, sa mata pa lang niya, makakahugot ka na.
Kapag kasi na- tural ang talent mo, lalabas at lalabas ‘yun sa eksena n’yo kahit hindi ka mag-effort. Meron siyang gift kaya magtatagal siya sa industriya.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.