NPC-Poe-Chiz na

Grace-Chiz

Grace-Chiz

Wala pang pormal na desisyon ang Nationalist Peoples Coalition, ang ikalawang pinakamalaking partido politikal sa bansa, kung sino ang ieendorso pero inanim ng lider nito na patungo sila sa pagsuporta sa tambalang Sen. Grace Poe at Sen. Francis Escudero.
Sa isang press conference, sinabi ni Isabela Rep. Giorgidi Aggabao na hindi pa nagdedeklara sina Poe at Escudero kasama ang iba pang nais na kumandidato sa 2016 polls kaya wala pang pagpipilian.
“Many NPC members ara looking for Poe-Escudero tandem,” pag-amin ni Aggabao batay sa mga pag-uusap ng mga miyembro.
Kung magdedeklara umano ang dalawa at mapagpapasyahan na sila ang susuportahan sinabi ni Aggabao na gagamitin nila ang makinarya ng NPC para sila ay manalo.
Ang NPC ay may dalawang senador, 41 kongresista bukod pa sa partylist group at 22 city mayor. Sila ang ikalawa sa pinakamalakingp political party sa kasalukuyan sunod sa Liberal Party.
Kung sakali umano na hindi sina Poe at Escudero ang iendorso ni Pangulong Aquino ay hiniling ni Aggabao na sana ay igalang umano ang kapasyahan ng partido.
Ayon sa solon nakikita ng marami nilang miyembro na magiging magaling na pangulo si Poe taliwas sa sinasabing kawalan nito ng karanasan sa pamumuno.
Sinabi naman ng spokesman ng NPC na si Valenzuela Mayor Rexlon Gatchalian hindi masusukat sa haba ng pagseserbisyo ang pagiging magaling na lider.
Nilinaw naman ni Aggabao na walang kaduda-duda na maipagpapatuloy ni Interior and Local Government Sec. Mar Roxas ang tuwid na daan.
Pero mahalaga din umano ang survey, kung saan nangunguna si Poe sa mga napipisil na kandidato.

Read more...