APAT katao ang nasawi habang marami pa ang nasugatan nang magsalpukan ang dalawang bus ng isang kompanya sa bayan ng Enrique B. Magalona, Negros Occidental, kahapon (Miyerkules), ng umaga, ayon sa pulisya.
Kapwa pag-aari ng kompanyang Ceres ang dalawang bus na sangkot, sabi ni Senior Superintendent Samuel Nacion, direktor ng Negros Occidental provincial police.
Isa sa mga bus ay patungo sa Bacolod City habang ang isa pa’y patungong Escalante City, sabi ni Nacion sa isang text message.
Naganap ang insidente sa bahagi ng National Highway na sakop ng Brgy. Santo Niño.
Dinala ang mga sugatan sa pinakamalapit na ospital, ani Nacion.
MOST READ
LATEST STORIES