Aiko hindi makakalimutan ang pagkikita nila ni Kim sa mall

aiko melendez

Naaalala pa rin ni Aiko Melendez ang isang eksena sa mall nang makita niya nang personal si Kim Chiu.
Inamin ni Aiko sa interview ng ABS-CBN na dati pa siyang fan ni Kim, as in nasu- baybayan daw talaga niya ang acting career ng Teleserye Princess.

“Sa Binondo Girl pa lang I liked her na and most of her movies I watched. And then when Twitter became active, I began tweeting every time I watch her on TV,” chika ni Aiko sa nasabing panayam.

At dito na nga naalala ni Aiko ang pagkikita nila ni Kim sa isang shopping mall sa Mandaluyong.
“There’s this one encounter I had with her that I will never forget.

I saw her in Shangri-La mall and then my daughter said, ‘Mom, there’s Kim!’ and then I asked her, ‘Do you mind if I took a picture of her with my daughter and me?’” natatawang kuwento ng award-winning actress.

“I just adore her, love her and I watch all her films so it’s a dream come true, ang makasama siya sa isang soap opera,” sey pa ni Aiko na ang tinutukoy ay ang bagong teleserye nina Kim at Xian Lim na The Story Of Us kung saan gagaap si Aiko na stepmother ni Kim.

Read more...