Ginamit ng GMA 7 ang TeenQueen kay Barbie Forteza kaya naman tiyak na magtataas ng kilay ang mga fans ni Kathryn Bernardo.
Sa Instagram account ng GMA Artist Center ginamit ng taga-Siyete ang hashtag na teen queen kay Barbie which will for sure raise the collective eyebrows of KathNiel fans.
While it is true na si Kathryn ang Teen Queen ng Dos, hindi naman kasalanan ni Barbie kung nabigyan man siya ng ganoong title rin ng GMA 7.
No one should blame Barbie because it was bestowed on her, hindi niya hiningi, hindi niya ipinalimos.
Actually, as an actress, hindi hamak na mas magaling naman si Barbie kay Kathryn.
Na-nominate na si Barbie sa Gawad URIAN, samantalang si Kathryn ay hindi pa. It will take her more years bago siya ma-nominate man lang sa URIAN na siyang pinaka-credible among award-giving bodies.