Jake gustong balikan si Bea: Mahal na mahal ko siya!

jake vargas

ORAS at hindi ibang babae ang dahilan ng paghihiwalay nina Jake Vargas at Bea Binene. Ito ang pag-amin ng binata nang muling tanungin kung bakit siya nag-break ng Kapuso youngstar.

“Siguro po, nawalan ng time sa isa’t isa. Parang ano kasi, e, parang iyon siguro yung…hindi na kami gaanong lumalabas.

Nawawalan ako ng time sa kanya,” ang pahayag ni Jake sa presscon ng bago niyang teleserye sa GMA, ang Buena Familia kung saan makakatambal niya uli si Julie Anne San Jose.

Wala rin daw third party involved sa break-up nila ni Bea, “Actually narinig ko nga na may third party. Walang ganu’n. Nagulat nga ako, e, kasi mahal na mahal ko si Bea.

“Hindi ko alam. Siguro, iyon nga, totoo yun… nawalan ako ng time sa kanya, hindi ko siya nabigyan ng pansin,” sey pa ng binata.

Nang tanungin kung posible pa silang magkabalikan, “Oo. Ako naman, ganu’n naman, e, gusto ko naman maging maayos kami lagi. Gusto ko okay kami ni Bea lagi, e.

Gusto ko maging maayos kami kahit na ganito kami, may pinagdadaanan kami. “Siguro, gusto ko ganu’n, e. Gusto ko maging maayos.

Kaibigan ko siya, ayoko lang ng may mga bash na ano, na parang magkaaway kami dahil sa ganito, sa ganyan na isyu,” aniya pa.

Hindi na raw sila masyadong nakikita ni Bea, pero, “Tine-text ko naman, at sumagot naman siya. Recently tinext ko uli siya.” Pero nitong huli ay hindi na raw nagre-reply ang dalaga.

“Pero okay lang yun, at least nasasabi ko sa kanya yung gusto kong sabihin, di ba? Okay lang basta nababasa niya,” anya ng young actor.

Pero ang tanong, mahal pa ba niya si Bea? “Hindi naman agad mawawala yun. Hindi naman basta-basta mawawala yun.”

Sa bagong afternoon series ng GMA na Buena Familia, na magsisimula na sa July 28, natanong din si Jake kung posible ba siyang ma-develop sa ka-loveteam niya sa soap na si Julie Anne (na super blooming at napakaseksi ngayon), ang tugon ni Jake, “Hindi ko alam.

Kasi si Julie mabait, sobrang bait, makulit.”  Dagdag pa niya, “Siguro ngayon, puro trabaho ako. Halos nilalagay ko sa isip ko, trabaho. Kasi yung pagmamahal, nandiyan naman, darating at darating naman.”

Read more...