Matteo nagpapayaman; balak mag-propose kay Sarah sa 2016 | Bandera

Matteo nagpapayaman; balak mag-propose kay Sarah sa 2016

Ambet Nabus - July 22, 2015 - 02:00 AM

sarah geronimo

Masayang-masaya kami for Sarah Geronimo.

Tama ang obserbasyon ni Lea Salonga na marami na itong natutunan tungkol sa buhay, lalo na ang pagiging totoo sa kanyang sarili at sa kanyang followers.

Aba’y hindi na talaga nagpapa-awat si Sarah sa mga emote niya kapag medyo nakaka-relate siya sa kanta, sa komento o puna ng isang The Voice Kids contestant o kapag nag-aagawan sila ng mga kapwa coaches para sa isang kalahok.

Nag-trending ang dialogue ng Pop Princess na, “Ako pa lang ang ready na magpakasal,” after nitong payuhan ang isang batang kalahok na umawit ng “I Want To Marry You” tapos siya ang piniling coach dahil sobrang crush daw ito ng bagets.

Nakakagiliw ang mga antics ni Sarah at mararamdaman sincere siya sa kanyang mga sinasabi.
Lalo tuloy kaming naniwala sa mga nagsasabi na baka sa 2016 o sa 2017 ay lelebel-up na sa mas mataas na estado ang relasyon nila ni Matteo Guidicelli!

Ayon kasi sa mga naririnig namin, kung hindi next year ay sa 2017 na balak mag-propose ni Matteo sa kanyang girlfriend.

Kaya nga raw todo-trabaho na ngayon si Matteo para by the time na yayain na niya si Sarah na magpakasal ay kering-keri na niyang gawing reyna ng kanilang sariling tahanan ang Pop Princess.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending