ITINULOY kahapon ng Korte Suprema ang oral argument kaugnay ng kontrobersiyal na Torre de Manila, sa kabila naman ng apela ng mga abogado ng gobyerno na ito ay ipagpaliban.
Isinagawa ang debate ganap na alas-2 ng hapon.
Noong isang linggo, nagsumite si Solicitor General Florin Hilbay ng mosyon na humihiling sa high tribunal na ipagpaliban ang debate ng 30 araw sa pagsasabing kailangang pagtuonan pa ng pansin ang petisyon ng Pilipinas na inihain sa United Nation’s arbitration court sa The Hague sa The Netherlands.
Dumating si Hilbay mula sa The Hague bilang parte ng delegasyon ng Pilipinas kaugnay ng inihaing petisyon laban sa China.
Ibinasura naman ng Kataastaasahang Hukuman ang petisyon ng gobyerno para sa karagdagang 30 araw na palugit.
MOST READ
LATEST STORIES