6 tumba sa panis na kanin

rice
Anim katao sa Zamboanga City ang naospital kahapon ng madaling-araw matapos makakain ng umano’y panis na kanin, ayon sa pulisya.

Kinilala ng mga awtoridad ang anim bilang sina Juniebert Sanches, Norman Manuel, John Peter Maguilan, Rodel Cruz, Eduardo Tuban, at Rodericho Manuel.

Pawang mga construction worker ang anim, sabi ni Senior Superintendent Angelito Casimiro, direktor ng Zamboanga City Police, sa isang text message.

Isinugod ang anim, na pawang mga residente ng Brgy. Talon-Talon, sa Zamboanga City Medical Center matapos magsuka sa pinagtatrabahuhan sa Suterville dakong alas-12:59.

“Panis na kanin ang kinain… Dala nila,” sabi ni Casimiro sa BANDERA nang tanungin kung anong maaaring nagdulot ng pagkakasakit ng anim.

Maaaring walang makasuhan sa insidente dahil ang mga construction worker mismo ang nagdala sa kanin, sabi pa ng police official.

Read more...