Hindi lamang umano libreng pag-aaral ang ibibigay sa 10 graduate ng public high school graduate sa ilalim ng Iskolar ng Bayan, otomatiko rin silang makakapasok sa State Colleges and University sa kanilang rehiyon.
Ayon kay House committee on higher and technical education chairman at Pasig City Rep. Roman Romulo hindi kailangan na kumuha ng entrance exam ang mga ito sa kampus na sakop ng kanilang rehiyon.
Aabot sa 80,000 nagtapos sa public high school ang inaasahang makikinabang sa batas na akda ni Romulo.
“This is an affirmative action policy that guarantees disadvantaged but gifted public high school graduates slots in SUCs, without having to go through a rigorous screening or elimination process, which is basically what an entrance test is,” dagdag pa ni Romulo. “When we finalized the law, we simply decided to give the sons and daughters of marginal families a headstart.”
Lilimitahan naman sa hanggang limang porsyento ang maaaring pumasok sa pamamagitan ng Iskolar ng Bayan program.
Iskolar hindi na kukuha ng entrance exam sa SUCs
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...