P35.8M jackpot sa Mega Lotto nakuha sa Marikina

lotto 6-45
Sa Marikina City tumaya ang nanalo ng P35.8 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 sa bola Lunes ng gabi.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office general manager Jose Ferdinand Rojas II isa lang ang nakakuha ng mga lumabas na numerong 9-42-26-25-28-29.
Ang nanalo ay tumaya sa lotto outlet sa Brgy. Parang.
Labingpitong m‎ananaya na nakakuha ng limang numero ang nanalo ng tig-P50,000. Tig-P560 naman. Ang 1,254 mananaya na naka-apat numero.
Balik-taya naman ang 23,348 mananaya na nakatatlong numero.
Ang MegaLotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Read more...