Umabot na sa walo ang kumpirmadong nasawi sa pagguho ng minahan sa Semirara Island ng Caluya, Antique, ayon sa mga awtoridad kahapon.
Nahugot sa guho ang bangkay ng minerong si Noel Penolla alas-4:55 ng hapon Lunes, habang ang mga labi ni Ian Catulay ay natagpuan alas-2 ng umaga Martes, sabi ni Senior Superintendent Edgardo Ordaniel, direktor ng Antique provincial police.
Pinaghahanap pa ang mga labi ni Danilo Bayhon, ang huli sa mga minerong nalibing nang gumuho ang isang bahagi ng Panian mine noong nakaraang Biyernes, ani Ordaniel.
Inaalam pa ng pulisya ang sanhi ng pagguho sa minahang ino-operate ng Semirara Mining and Power Corp. (SMPC), aniya.
Sa isang kalatas, inihayag ng SMPC na kahapon ay magsasagawa ng follow-up investigation ang mga opisyal ng Separtment of Energy sa minahan.
Nangako din ang kompanya na tutulungan ang pamilya ng mga biktima di lang sa pagpapalibing, kundi pati sa pagpapaaral ng mga naiulilang anak hanggang kolehiyo at posibleng pagbibigay ng trabaho sa mga ito, at libreng pabahay sa mga pamilya. (John Roson)
– end –
Reply, Reply All or Forward | More