Letran Knights makikisosyo sa itaas | Bandera

Letran Knights makikisosyo sa itaas

Mike Lee - July 21, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(The Arena, San Juan)
2 p.m. Lyceum vs San Beda
4 p.m. Letran vs San Sebastian
Team Standings: Perpetual Help (4-0); Letran (3-0);
Arellano (3-1); San Beda (2-1); Jose Rizal (2-2); San Sebastian (1-2); Lyceum (1-2); Mapua (1-3); St. Benilde (1-3); Emilio Aguinaldo (0-4)

SUSUKATIN ng Letran Knights kung totohanan ang tangkang pagbangon ng San Sebastian Stags habang ang San Beda Red Lions ay magtatangkang bumangon mula sa pagkatalo sa pagpapatuloy ng 91st NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Hindi pa natatalo ang Knights matapos ang tatlong laro ngunit hindi nila puwedeng biruin ang Stags na kanilang makakaharap sa tampok na laro dakong alas-4 ng hapon.

Ang five-time defending champion Red Lions ay babangon naman matapos ang 80-93 pagyuko sa Knights laban sa inspiradong Lyceum of the Philippines University Pirates sa ganap na alas-2 ng hapon.

Hindi magagamit ng San Beda ang batikang guard na si Baser Amer dahil sa tinamo nitong injury sa kanang balikat sa kanilang laro kontra Letran kaya’t ang mga beteranong sina Ola Adeogun at Arthur dela Cruz ang siyang sasandalan nang husto ng Red Lions para pigilan ang Pirates sa planong sundan ang 72-69 tagumpay laban sa College of St. Benilde Blazers sa huling asignatura.

“We have to play aggressive and play as a team to win,” pahayag ni Red Lions coach Jamike Jarin.
Ang ipinagmamalaking depensa ang tiyak na masisilayan uli sa Knights na balak saluhan uli ang pahingang University of Perpetual Help Altas (4-0) sa liderato.

Pero hindi ito magiging madali dahil ang Stags ay determinadong dugtungan ang nakuhang unang panalo kontra sa Jose Rizal University Heavy Bombers gamit ang 91-89 panalo sa overtime.

“I hope our first win will be the start of something good,” pahayag ni Stags first-year coach Rodney Santos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending