Sulat mula kay Dianne ng Poblacion, Claveria, Misamis Oriental
Problema:
1. Ako po ay may asawang sundalo ang may dalawa kaming anak, ang problema ng madestino siya sa Luzon hindi nya na kami binalikan at sa darating na August 1 magiisang taon na po siyang hindi na umuuwi ng aming bahay. Kaya sa ngayon ako lang mag isa ang bumubuhay sa mga anak namin sa pagkakatulong.
2. At sa ngayon may nanliligaw po sa akin ng isang matandang balo kaya ito sana ang gusto kong malaman. Una, kung babalik pa kaya ang asawa ko? At pangalawa, kung sasagutin ko na ang matandang balo na ito na isinilang noong February 10, 1959 ay magiging maganda kaya ang buhay ko sa piling niya at compatible po ba kami? October 13, 1987 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Dianne Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing sadya ngang ka-compatible mo ang lalaking balo na nanliligaw sa iyo na nagtataglay ng zodiac sign na Aquarius. Kung saan, ang zodiac sign mong Libra at Aquarius naman siya ay sadya ngang tugma at compatible sa isat-isa.
Numerology:
Ang birth date mong 13 na may ruling planet na Sun/Uranus ay tugmang-tugma din naman sa birth date na 10 ng matandang balo na iyong manliligaw sa kasalukuyan, kung saan, tulad ng sarili mong planeta Uranus/Sun din ang ruling planet ng birth date mong 10, kaya nga sa sandaling kayo ay nagsama, itatala ang isang maligaya at pang habang buhay ng relasyon.
Luscher Color Test:
Sa panahon ng muling pag-aasawa upang lalo pang tumibay ang pagmamahalan mas makabubuting lagi kang gumamit ng at magsuot ng kulay na pula at dilaw. Angnasabing mga kulay ang madadala sa iyo sa isang simple ngunit maligayang pagpapamilya.
Huling payo at paalala:
Dianne ayon sa iyong kapalaran huwag mo ng asahang babalik pa ang nawawala mong asawa, kung saan, sa panahon ngayon siyempre pa may karapatan ka rin namang lumigaya. Mangyayari at magaganap kung sasagutin mo na ang manliligaw mong balo na may zodiac sign na Aquarius, sapagkat bukod sa ka-compatible mo siya, sa sandaling siya ang iyong nakatuluyan at nakasama, sigurado na ang magaganap – sa ikalawang pag-aasawa, uunlad ang itatayo nyong pamilya at sa piling ng nasabing lalaki habang buhay ka ng liligaya.