DALAWANG misis ang pumunta sa aking tanggapan sa “Isumbong mo kay Tulfo” at inireklamo ang laganap na paggamit ng droga ng mga detainees sa kinakulungan ng kanilang mga mister.
Ang nireklamo ng mga misis ay ang Quezon Provincial Jail sa Lucena City at ang piitan ng Bureau of Jail Management and Penology sa Bicutan, Taguig.
Sa loob mismo ng BJMP jail sa Taguig, meron daw mismong pagawaan ng shabu (methamphetamine hydrochloride), sabi ng esposa ng preso sa nasabing jail.
Talagang wala nang lugar sa bansa na hindi nasasaklaw ng pinagbabawal na gamot, kahit na sa loob mismo ng bilangguan.
Siyempre, kasabwat ang warden at mga prison guards sa mga nasabing kulungan.
Ang Numero Uno na piitan kung saan ang mga preso ay gumagamit ng droga ay ang New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa.
Sa NBP nakakulong ang mga drug lords at sila’y binibigyan ng VIP (very important persons) treatment ng mga opisyales at prison guards.
Ni-raid ni Justice Secretary Leila de Lima ang NBP at nakita niya na ang mga convicted drug lords parang nakatira sa luxurious surroundings.
Nakita rin ni De Lima na ang iba sa kanila ay milyon-milyon ang perang nakatago sa kani-kanilang mga selda na parang nasa mala-Palasyong kuwarto.
Ano ang dapat gawin ng mamamayan upang matalo natin ang giyera laban sa droga?
Drastic solutions call for the gargantuan problem of drugs.
Kailangan natin ng lider na may kamay na bakal, hindi yung papatay-patay at aanga-anga na gaya ni Pangulong Noynoy.
Kailangan natin ang isang lider na gaya ni Davao City Mayor Rody Duterte na nilinis ang siyudad ng mga drug traffickers, drug pushers at iba’t ibang uri ng kriminal.
Nangunguna si Sen. Grace Poe sa mga surveys ng “presidentiables” o yung posibleng tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2016.
Pumangalawa na lang si Vice President Jojo Binay, na diumano’y napaka-corrupt.
Pangatlo lamang si Duterte.
Di baleng kulelat pa si Duterte ngayon dahil malayo pa naman ang eleksiyon.
Ang mahalaga ay nasa radar na siya ng mga botante.
Kailangan lang magdeklara si Duterte ng kanyang intensiyon na tatakbo dahil sinasabi niya na wala siyang balak na tumakbo.
Hihimayin natin kung bakit malalampasan ni Duterte sina Poe at Binay.
Si Duterte ay may mahabang karanasan sa governance o pamamahala dahil sa matagal siyang mayor ng Davao City .
Walang karanasan si Poe sa governance. People will realize later that she will just be an OJT (on -the -job –training) President kapag nagkataon.
It would be Cory Aquino presidency all over again kung si Poe ang mahahalal na Pangulo.
Dahil walang karanasan si Cory, ang mga nagpapatakbo ng bansa ay ang kanyang mga advisers at ang kapatid niyang si Peping Cojuangco.
Kung si Poe ang mahahalal, ang magpapatakbo ng bansa ay si Sen. Chiz Escudero na masama raw kung malasing. Baka hindi alam ni Grace kung anong klaseng tao si Chiz kapag nakaamoy ng alak.
Si Duterte ay malinis at sinsero sa pagpapatakbo ng gobiyerno at ito’y napatunayan niya bilang mayor ng Davao City .
Davao City is drug-free and crime-free because of Duterte’s unorthodox method of dealing with drug traffickers and other notorious criminals.
Si Binay ay marumi hindi dahil maitim ang kanyang balat kundi siya’y korap na korap.
Ayaw niyang humarap sa Senado na iniimbestigahan ang kanyang naiulat na pagiging corrupt dahil hindi niya maipagtanggol ang kanyang sarili.