Kitang-kita sa mga ngiti ni Miriam na masayang-masaya siya ngayon sa kanyang buhay, kahit nga wala siyang special someome na matatawag.
Aniya, umaasa pa rin daw siya na one day ay darating pa rin ang lalaking ibibigay ng Diyos para sa kanya. At nakahanda raw siyang maghintay.
Bukod sa kanyang lovelife, mayroon pang ibang personal na detalye ang ibinahagi ni Miriam sa atin at narito nga ang ilan.
BANDERA (B): Ano ang beauty secrets mo? Paano mo napapanatiling younger looking ang iyong itsura?
MIRIAM QUIAMBAO (MQ): Isa sa mga beauty secrets ko, siyempre ang pagiging masayahin. Kasi alam mo I found out na kapag grateful ako sa buhay ko, kapag masaya ako, hindi kumukulubot ang mukha ko, so mas bumabata ang itsura ko. Aside from that, healthy living lang. More water intake, running kapag umaga, then yoga. Dati nagba-badminton ako kasama ko ang mga kaibigan ko, tapos swimming, pero ngayon ina-alternate ko na lang ang yoga tsaka running. Hindi na rin kasi kaya ng schedule kung gagawin ko lahat ‘yun. Hindi rin ako nagyoyosi, hindi rin ako umiinom. Minsan late na rin akong natutulog, lalo na kapag nawiwili ako sa computer. Nagre-research ng kung anu-ano. Pero I make sure na kahit late na akong matulog, kumpleto ang oras ng pagtulog ko.
B: Mahilig ka rin bang pumunta sa salon?
MQ: Oo, madalas ako sa salon, nagpapa-spa rin ako, body scrub regularly. Du’n ako addict, sa body scrub. Gustung-gusto ko rin yung tina-try ko ‘yung mga bagong spa clinics. At least once a month ako nagpapa-spa.
B: Paano mo ini-spend ang free time mo?
MQ: Naku, may free time pa ba ako? Sa ngayon kasi, pinaghahati ko ang time ko sa business, I’m into real estate business na rin kasi, tsaka sa mga trabaho ko sa showbiz. Kaya kapag wala akong taping or shooting, du’n ako busy, sa negosyo. I enjoy it naman, kahit nakakangarag minsan. Challenging kumbaga ang role ko ngayon sa buhay. Hindi na rin ako masyadong nakakapag-malling.
B: Ano ang role mo sa inyong business?
MQ: Sa marketing, kasi basically, bumibili kami ng mga properties tapos, mina-manage namin, real estate broker na rin ako, bago pa lang ‘yun. ine-expand pa lang namin. Kaya medyo nakaka-tense pa ang process. Sana, sana, maging successful. At least kapag medyo hindi na ako busy sa showbiz, may fall back na ako, di ba?
B: Mahilig ka rin bang mag-travel? Anu-anong bansa ang gusto mong mabisita?
MQ: Lately I’ve been travelling to Hongkong, and other parts of Asia. Minsan business trip, pero kasama na du’n ‘yung pasyal. Hindi naman mawawala kasi ‘yung pagsabayin mo na sila. Gusto kong puntahan ang Prague, ang South Africa, magpa-picture sa Safari, gusto kong bumalik sa Santorini. I also want to go back to St. Petersburg, gusto kong mag-diving sa mga beach, gusto kong mag-shopping sa Paris. Sa local naman, gusto kong makapunta sa Amanpulo, tsaka sa El Nido, hindi pa kasi ako nakakapunta du’n. Tapos gusto ko ring magpabalik-balik sa Boracay, beach lover kasi talaga ako, e.
B: Speaking of Boracay, beach wedding pa rin ba ang gusto mo sa susunod na pagpapakasal mo kahit na hindi masyadong pinalad ang unang marriage mo?
MQ: Actually, yes, yun pa rin ang gusto ko, pero sa ibang lugar na dapat. Gusto ko kasi unconventional ‘yung next wedding ko, ayoko ‘yung sa typical na hotel, gusto ko talagang mag-enjoy ‘yung mga bisita namin, para fun.
B: Sinu-sino sa mga male celebrities natin ang sexy para sa ‘yo?
MQ: Sexy? I find Derek Ramsay sexy, a real hunk! Si Piolo Pascual, ang ganda kasi ng abs niya, tsaka parang ang sarap-sarap niyang kasama, ang bait ng face. I also like Dingdong Dantes. Mahilig kasi ako talaga sa mga macho, hindi ako mahilig sa mga mestisong malinis, ‘yung boyish, gusto ko yung man talaga!
B: Sa mga female stars naman natin, sino sa iyo ang talagang sexy, ‘yung kapag nakikita mo, parang natotomboy ka?
MQ: Si Cristine (Reyes) sexy siya. I also like Lara Quigaman, si Iya Villania. Kasi kapag tiningnan mo ‘yung mga face nila, ang sexy talaga. Hindi mo nakikita ‘yung shape ng body nila, sexy na, dahil sa face nila.
B: Na-trauma ka ba sa last relationship mo kaya hanggang ngayon hindi ka pa nagbo-boyfriend uli?
MQ: Oo, in a way, pero hindi naman ‘yung to the point na ayoko nang magmahal. May takot, na baka maulit uli, na baka mangyari uli ‘yung nangyari dati. ‘Yun ang fear ko. Pero gusto pa ring magmahal at magkaroon ng somebody na magmamahal sa akin nang tunay, nangg totoo, ‘yung irerespeto ako, at tatanggapin ako despite my past.
B: May nanliligaw ba sa ‘yo?
MQ: Oo naman. Nakikipag-date na rin ako. Pero hindi naman lagi, kapag may nag-invite, and free naman ako, why not?
B: Ngayon ba talagang pinipili mo na ang ide-date mo?
MQ: Sobra! Parang may paranoia lagi. Pero kailangan kasi paglabanan mo ‘yun para tuluy-tuloy na ‘yung pag-move on mo. Pero minsan talaga, siyempre, hindi mo maiiwasan na maisip mo na, baka ganu’n din itong guy na ito, baka ganyan din siya. ‘Yung ganu’n, but you have to be positive, e. Kailangan
maganda pa rin ang maging outlook mo sa buhay despite everything.
—Interview ni EAS
BANDERA, 101109