NAGPOST si Sen. Miriam Defensor-Santiago sa kanyang Facebook account ng isang video habang naglalakad para ipaalam sa publiko para ipakita na bumuti ang kanyang pakiramdam.
Makikita sa video na nakasuot si Santiago ng puting t-shirt at pulang jogging pants habang naglalad-lakad sa isang residential area.
Pinasalamatan ni Santiago ang mga Pinoy sa mga dasal para sa kanya.
“Thanks to your prayers and kind thoughts, I continue to feel better. I can now walk two kilometers every day. See you all soon! #MiriamFight,” sabi ni Santiago.
Isang taon na nang ihayag ni Santiago na siya ay may stage 4 lung cancer matapos naman niyang isapubliko ito noong Huly 2, 2014.
MOST READ
LATEST STORIES