Sinabi ni Pacquiao na nagsasagawa siya ng sarili niyang rehabilitasyon.
Nauna nang nagalit si Arum sa kanyang sariling boksingero matapos hindi siputin ang kanyang doktor.
Idinagdag ni Arum na wala siyang ideya kung kailan uli sasabak sa ring si Pacquiao matapos ang kanyang huling laban kay Floyd Mayweather noong Mayo.
“I respect Bob Arum. He’s just like a father to me. I believe he’s just voicing out his concern (for) me and I appreciate it. I don’t take it negatively,” dagdag ni Pacquiao.
Ayon pa kay Pacquiao, wala namang dapat ipag-alala si Arum.
“I’m doing the rehab myself. I’m recovering faster than expected,” aniya.
Nauna nang kinansela ni Pacquiao ang kanyang nakatakdang checkup sa kanyang surgeon na si Neal ElAttrache sa Kerlan-Jobe Orthopaedic Clinic sa Los Angeles noong Hulyo 4, dahilan para maasar si Arum.
Hindi naman sinabi ni Pacquiao kung nagpapatingin siya sa ibang doktor, bagamat sinabing mas bumuti na ang kanyang balikat.
“I can now raise my right arm,” ayon pa kay Pacquiao.