Ate Guy gaganap na tomboy; pinuri ang akting nina Michael at Edgar

NORA AUNOR

NORA AUNOR

NAKAKATUWA ang mahal nating Superstar na si Nora Aunor dahil ginawan nila ng manager niyang si Kuya Boy Palma ng paraan para mapagbigyan ang hiling ng dalawang anak-anakan niyang sina Edgar Allan Guzman at Michael Pangilinan na makapag-guest sa pelikulang “Pare, Mahal Mo Raw Ako” under Direk Joven Tan.

Maganda kasi ang movie na ito, and take note, nang sabihin ko kay Mama Guy ang request ng dalawang bata, hindi siya nagdalawang-isip. Agad na pinaayos sa amin ni Kuya Boy Palma ang kaniyang schedule.

Sa totoo lang, yung araw na hiningi namin ay naka-block off for her shooting ng “Kabisera” pero pinakiusapan nila ang line producer nito na ipahiram sa akin si Mama Guy last Saturday, July 18.

One day lang naman kukuhanan ang lahat ng eksena ni Mama Guy. Ang bait ng line producer nila sa “Kabisera” at agad namang pinaunlakan ang lambing namin. Kaya thanks talaga sa kanila.

“Paano kang tatanggi pag dalawang anak mo na ang nakikiusap, sige nga? Plus ikaw pa na super love ko ang tumawag sa akin. Kaya sabi ko kay Kuya Boy, gawan namin ng paraan ang sked ko. Kasi nga, ang buong July namin ay nakalaan na for ‘Kabisera’. Mabuti naman at napagbigyan kami,” ani Mama Guy who arrived at the set one hour before ng kaniyang calltime.

“Ang galing umarte nina Michael at Edgar Allan. Nakaka-proud ang dalawang anak kong ito. Nagulat ako kay Michael dahil first time siyang umarte. Si Edgar kasi nakasama ko na iyan sa TV5 at magaling talaga. Pero si Michael, napakanatural na artista. Kaya sa promo ng movie at premiere night, kailangang makasama rin ako, ha” ani Mama Guy na sobrang natuwa sa mga eksena nila ng kaniyang dalawang “anak”.

Kaloka ang role ni Mama Guy, she plays the very understanding mom of Edgar Allan who plays the gay part. In the movie, tagong tomboy siya na dyowa ni Ana Capri, isa pang napakagaling na aktres. Ganda ng twist ng story, ganda ng mga eksena nila ni Edgar Allan – makabagbag-damdamin. Pang-award pala ang movie na ito – I was so surprised sa husay ni Direk Joven sa pag-handle ng mga eksena. Obviously ay sineseryoso ni Joven ang movie na ito unlike daw some of his sexy flicks before.

“Ayoko silang alalahanin. Ha-hahaha!” referring to his former sexy movies na ginawa. Dito na lang daw kami sa “Pare…” movie mag-concentrate. Ha-hahaha!

“Grabe pala ang shooting, ‘Nay ‘no? Inaabot ng madaling araw kahit umaga pa lang ay nag-start na kayo. Hindi talaga ako pang-artista kasi pagsapit ng ilang oras parang inaantok na ako. Ha-hahaha! Ang maganda lang dito, ang gaan katrabaho ng lahat ng kasama ko. Mababait ang staff at komportable ako with Tito Joven dahil ilang beses na kaming nagkasama during the Himig Handog day namin when I interpreted his song ‘Pare, Mahal Mo Raw Ako.’ Kaya sa last shooting daw magpapakain ako sa buong staff,” ani Michael.

“Kami ni Tito Jobert ang sagot sa beer after ng last day shooting. Mag-inuman tayo to celebrate, puwede naman iyon, di ba?” sabi naman ni Edgar Allan.

Yes! Talagang gagawin namin ito dahil last two days na lang ng shooting namin for this movie. Ganda ng casting namin, kasama rin sa movie sina Joross Gamboa, Matt Evans, Miggy Campbell at ang

Gandang Lalaki winner ng It’s Showtime na si Nikko Seagal. Ang dami pang mahuhusay na artista at may cameo role din dito si Hopia (dating Goin’ Bulilit star) as Michael’s girlfriend in the film.

“Pare Mahal Mo Raw Ako” will be released by Star Cinema kaya lalo naming hinuhusayan ang pagsasapelikula nito. Marami na actually ang nag-aabang sa movie and hopefully, by the end of August ay showing na kami. Marami nang mga sinehan ang nag-request for this movie na ma-book sa kanila. Natutuwa sila sa theme kasi ng film – hindi siya pink film ha, though very gender-sensitive ang materyal.

Of course, it still talks about mag-best friend – isang lalaki at isang gay. Nakakaloka si Michael dahil nang sinabi ni Direk Joven na kailangang magtanggal siya ng damit at pantalon sa isang eksena ay hindi man lang nagdalawang-isip. Pag sinabi pala sa kaniyang maghubad ay wala siyang keber. Lukaret na bata, di ba? Kasi nga, sobra ang tiwala niya kay Direk Joven.

“Hindi naman ako mag-aano rito eh. Konting pakita lang, wala namang nudity kaya oks lang. Merong nakahubad ako pero may salamin naman, sa banyo scene. Sabi nila, mag-body stockings daw ako para hindi ako mailang. Pero sabi ko, parang ang daya naman noon. Hayaan na lang nating totoong hubad pero hindi naman kita dahil maingat si Direk Joven,” ani Michael na sobrang lakas ng loob.

Read more...