Julia, Liza pinatunayang walang ‘silent war’

LIZA SOBERANO AT  JULIA BARRETTO

LIZA SOBERANO AT JULIA BARRETTO

PARA matigil na ang pang-iintriga sa kanila, nag-post sina Liza Soberano at Julia Barretto ng mga litrato sa Instagram kung saan makikitang magkasama sila sa isang tila dressing room.

“Rivalry? What rivalry?” ang inilagay na caption ni Julia sa isang picture nila ni Liza.

May isa namang litrato kung saan nakalingkis pa ang braso ni Julia sa leeg ni Liza. Ang sey ni Julia,

“Sorry Quen today Liza was mine,” na ang tinutukoy ay ang ka-loveteam ni Liza na si Enrique Gil.

Sa IG account naman ni Liza makikita ang isa pang picture na magkasama sila ni Julia habang nakatitig sa isa’t isa. Ang maikling caption dito ng Kapamilya youngstar ay, “Love you @juliabarretto.”

So, ibig sabihin walang katotohanan ang mga chika na may silent war ang dalawa dahil na rin sa pagkukumpara sa kanila ng mga fans.

Read more...