Bumagsak sa pinakamababa ang bilang ng mga pamilyang nakaranas ng gutom sa second quarter ng taon ayon sa survey ng Social Weather Station.
Mula sa 17.2 noong Marso, bumaba ang bilang ng mga pamilyang nagsabi na umabot sila sa puntong walang makain mula Abril hanggang Hunyo sa 12.7 porsyento o 2.8 milyong pamilya.
Ito ang pinakamababang naitala mula noong Mayo 2005. Ang pinakamataas ay noong Marso 2012 na umabot sa 23.8 porsyento.
Pinakamarami ang nasabi na nagutuman sila sa National Capital Region na tumaas ng 5.6 porsyento sa 18.3 porsyento (553,000 pamilya).
Sumunod ang Mindanao na nakapagtala ang 14.3 porsyento na hindi nagbago mula sa naunang survey.
Sa Visayas ay naitala naman ang 11.7 porsyento (499,000 pamilya) tumaas ng .7 porsyento.
At sa iba pang bahagi ng Luzon ay naitala ang pagbaba ng 3.6 porsyento at ngayon ay 10.7 porsyento (1.1 milyong pamilya).
Ginawa ang survey mula Hunyo 5 hanggang 8 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents.
Bilang ng pamilyang nagugutom bumaba – SWS
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...