Gwyneth Dorado, ng Asia’s Got Talent; kakanta ng Lupang Hinirang sa SONA

Gwyneth Dorado
Isang 10-taong gulang na batang babae ang naatasan na kumanta ng pambansang awit sa huling State of the Nation Address ni Pangulong Aquino sa Lunes.
Ayon kay Deputy Secretary General for Legislative Operations Atty. Artemio Adasa, Jr., chairman ng Committee on Programs, Scenario and Plenary Support, ang napiling kumanta ay si Gwyneth Dorado, isa sa mga Filipino finalists sa katatapos na Asia’s Got Talent search show.
“This is in recognition of the mercurial achievement of a young girl, whose singing ability is adored not only in Asia but worldwide. She truly represents the vast and incredible wealth of talents Filipino youth can offer,” ani Adasa.
Nakapasok sa grand finals ng Asia’s Got Talent si Dorado matapos na makakuha ng pinakamaraming boto mula sa publiko.
Ang nanalo sa naturang patimpalak ay ang shadow male group na El Gamma Penumbra, na binubuo rin ng mga Pinoy. Ang isa pang pumasok sa top three ay si Gerphil Flores na Filipino rin.

Read more...