Matt Evans emosyonal sa b-day ng baby: Mahal na mahal ka ni daddy!

matt evans

KITANG-KITA ang kaligayahan sa mukha ni Matt Evans bilang tatay sa mga ipinost niyang litrato ng kanyang anak sa Instagram.

Kamakailan ay nag-celebrate ng first birthday ang anak niyang si Hayley Marley, ilang litrato na kuha sa ginanap na party ang nakita namin sa IG na ipinost mismo ni Matt at ng kanyang asawang si Katrina Fariñas.

Isa sa mga picture ay nilagyan ni Matt ng caption na: “Happy 1st birthday Marley ko! Mahal na mahal na mahal ka ni daddy! #daddygirl!”

Kung matatandaan ikinasal si Matt kay Katrina matapos ang kinasangkutan nitong kontrobersiya at dating girlfriend.

Nauwi pa nga sa demandahan ang pag-aaway ng dati g magdyowa pero sa pagkakaalam namin ay nagkaayos na rin ang dalawa. Maligaya na ngayon si Matt sa piling ng kanyang mag-ina.

Read more...