Manilyn ibabandera ang mga patok na putahe sa Pinas

manilyn leynes

ISANG bagong programa ang ihahain ng GMA Network at Monde Nissin sa lahat ng Kapuso viewers.

Simula Hulyo 21, ipapakita ng Biyaheng NamNam ang kagandahan ng iba’t ibang lugar sa Pilipinas, at sabay na itatampok at bibigyan ng twist ang mga tanyag na lutuin ng bawat rehiyon gamit ang Lucky Me! NamNam Tomato at Lucky Me! NamNam Original.

Ang 5-minutong programang ito ay pangungunahan ng batikang aktres at celebrity mom na si Manilyn Reynes kasama ng dating Malacañang Palace Executive Chef na si Aurora “Babes” Austria.

Sa kasalukuyan ay nagtuturo si Chef Babes sa Center for Culinary Arts (CCA). Sa paglilibot ng Biyaheng NamNam sa iba’t ibang lugar sa bansa, matutunghayan din ng Kapuso viewers ang yaman ng Pilipinas habang matututunan ang mga paboritong local dishes katulad Laswa, Chicken Binakol, Beef Kurma, Tuna Kinilaw, Bicol Express at Pinakbet with Bagnet—na lalong pasassarapin ng Lucky Me! NamNam.

Siguradong mapapamahal lalo ang mga manonood sa ating bansa dahil sa magagandang tanawin at masasarap na lutuing itatampok ng Biyaheng NamNam.

Samahan ang Biyaheng NamNam sa paglilibot sa buong Pilipinas tuwing Martes at Huwebes, bago mag-The Ryzza Mae Show sa GMA.

Read more...