Cast ng Bubble Gang ilang beses nagmura; MTRCB tinimbrihan

michael v

Watched last Friday’s episode of Bubble Gang nina Michael V, and we’re quite surprised at the different instances where some of its cast members utter the word “gago.”

Ilang ulit sinambit ng ilang cast ang salitang iyon na ikinaloka namin. Merong mga na-bleep na words na obviously ay hindi nakapasa sa MTRCB pero takang-taka kami kung bakit hindi napasama ang word na gago.

Puwede na palang sabihin or bigkasin ang word na ‘yon sa TV nang paulit-ulit. Well, hindi kami madalas nanonood ng TV at lalo na ng Bubble Gang kaya medyo na-shock lang kami when we hear tha word being repeatedly uttered.

Taped ang nasabing gag show kaya obviously ay namo-monitor ito ng MTRCB. Still, hindi pa rin kami makapaniwalang puwede nang bigkasin ang word na iyon on TV.

Read more...