Naging advocacy na ni Fanny Serrano na pagandahin ang mga beauty-challenged celebrities.
Inumpisahan niya ito kay Kiray Celis at ang daming namangha sa kinalabasan ng kanyang makeover sa young comedienne.
Now, the makeover guru has done it again, this time kay Kakai Bautista. Sa pictorial na lumabas sa Facebook account ni Fanny, talagang lumabas ang ganda at kaseksihan ni Kakai.
Labis-labis ang pasasalamat ni Kakai’s kay TF (nickname ni Fanny), “Sa 36 years ng buhay ko, ikaw ang nakaisip na ishoot ako, bihisan at pagandahin ng ganito.
Salamat sa Mabuti mong Puso Tito Fanny!! “Dati pangarap ko lang maging MOWDEL eh. hahaha. Thank you Ahleks Fusilero.
Photography alam mo na kung saan ako takot! saket ng balakang ko haha! Salamat. Salamat. eeeh nemen…KAKAI BAUTISTA.”
That was Kakai’s message to TF.