Desiree, Boom magka-live in na raw: Ayaw namin ng bonggang kasalan!

desiree del valle

KAHIT hindi inamin o idinenay ng Kapamilya actress na si Desiree del Valle, maraming naniniwala na magka-live in na sila ng boyfriend niyang aktor na si Boom Labrusca.

Engaged na rin ang dalawa at ipinakita pa nga ni Desiree ang singsing na suot niya sa ilang entertainment reporters sa thanksgiving presscon ng seryeng Flordeliza.

Hindi nagdetalye ang aktres tungkol sa magiging kasal nila nu Boom, pero aniya, para na rin silang mag-asawa kahit wala pang basbas ng simbahan ang kanilang pagsasama.

“Yung pag-aano ng engagement ring naman, parang feeling ko naman, kasal na ‘ko sa kanya. “Hindi sa tagal, hindi sa ano ng panahon, it’s how we treat each other every day.

It’s how we are with each other… feeling ko, kasal na ‘ko, e,” chika ni Desiree. Pero nang tanungin kung nagsasama na sila sa isang bubong ng kanyang dyowa, “I don’t want to answer that” ang naging sagot ng aktres.

Pahayag pa nito, “Ang pagpapakasal naman, madali na lang yun. At saka wala naman kaming planong bonggang wedding. We talked about it but nothing formal.”

Ilang beses nang nabigo sa pag-ibig si Desiree pero wala naman daw trauma sa pakikipagrelasyon niya sa mga taga-showbiz, “It’s not about being showbiz or hindi, it’s about how we are with each other.

Kung paano namin alagaan ang isa’t isa. I guess ganun lang yun, nagkataon lang.” Naging sentro rin ng usap-usapan ng entertainment press ang pagiging emosyonal ni Desiree sa nalalapit na pagtatapos ng Flordeliza.

Naiiyak na pahayag ni Desiree, “Family kasi ito, maybe because it comes with age rin. Yun ngang sinasabi ni Jolina (Magdangal) na mas professional ka na sa trabaho.

Mas minamahal mo na ang trabaho mo at saka, ewan ko, iba ang attachment namin sa grupong ito.
“Since October pa kami nagtatrabaho, iba ang family ng Flordeliza, yun ang mami-miss ko talaga.

Kahit hindi sa mga artista, kahit sa mga staff, yun ang mami-miss ko talaga. Iba yung bonding namin dito at feeling ko, hindi kami nagtatrabaho. Ewan ko, with this project, with this family, it’s different.

I don’t know, maybe because I’m getting older kaya mas emotional,” aniya pa. Samantala, isa rin si Desiree sa mga aktres na masasabing marami ring napagdaanang kontrobersiya noong kabataan niya, at ngayong sunud-sunod ang mga teen at child scandals ano ang maipapayo niya sa mga kabataang artista, kabilang na ang dalawang child stars na kasama niya sa Flordeliza – sina Rhed Bustamante at Ashley Sarmiento.

“Actually, napag-uusapan nga namin yun with the kids… kahit kanina, nakaupo lang si Ashley dun, medyo nakabukaka siya (sinenyasan daw nila ni Jolina ang bata na umayos ng upo).

Ewan ko, may ganun na kami, feeling namin mga nanay na kami. “We’re vocal sa mga bata, parang hindi namin sila tinuturing na eight years old, parang magka-age na kami.

Kasi kapag bine-baby mo, binabata mo, masyadong ano, e… Kailangan prangkahan mo sila. Kapag may nagtanong, sagutin mo nang totoo, nang tama.

“Ang hirap, e. Ako thirty-three, pero iba ang kabataan ngayon. Ang hinihingi nila cellphone, noong 12 years old ako, laruan, e. Pupunta ako sa kapitbahay ko.

Ang hirap, kahit kinakausap ng magulang, kahit i-guide, I guess, kung ano ang choice ng bata, gagawa at gagawa ng paraan ‘yan.

“Ako, hindi pa ako mother, pero parang kahit anong gawin mong tutok siguro…Hindi ko alam kung ano ang meron sa social media.

It’s hard to answer, it’s a difficult time now,” paliwanag ng aktres. Payo pa ni Des sa mga kabataan, artista man o hindi, na masasangkot sa iba’t ibang scandal o controversy, “Don’t keep it to yourself, never feel that you’re alone.

Kung hindi mo makausap mga magulang mo, sa friend or kay Papa Jesus. Kailangan yung faith nila nandun at hindi nawawala.”

Read more...