Erik Santos walang arte sa katawan... kayang umihi sa basyo ng mineral water | Bandera

Erik Santos walang arte sa katawan… kayang umihi sa basyo ng mineral water

Cristy Fermin - July 19, 2015 - 02:00 AM

erik santos

Masarap kasama si Erik Santos sa mga shows sa ibang bansa. Wala siyang kaarte-arte sa katawan, propesyonal ang male singer, kung ikaw ang prodyuser ay gugustuhin mo siyang makasama nang paulit-ulit dahil hindi mo siya poproblemahin sa kabuuan ng pagsasama n’yo sa ibang bansa.

Disiplinado si Erik, propesyonal siya, kung ano ang kailangan para mapasaya ang ating mga kababayang lungkot na lungkot sa ibang bansa ay gagawin niya.

Marami na kaming nakasamang personalidad sa ibang bansa, pero isa si Erik Santos sa iilang kapuri-puri, hindi niya bibigyan ng problema ang kanyang producer.

Hindi siya mareklamo, hindi rin siya papansin, hindi kasama ang magaling na male singer sa listahan ng mga personalidad na nagpapahirap sa trabaho ng prodyuser.

At magaling si Erik, walang dudang isa siya sa mga singers na mahusay talaga, sulit na sulit ang ibabayad mo sa kahit anong concert na kasali siya.

Hanggang bewang ang snow nang mag-show siya sa Saskatoon, lahat ng lugar na inikutan namin sa Canada ay talagang niyeyelo, pero hindi problema ‘yun kay Erik Santos.

Dahil sa sobrang lamig ay madalas tayong madyinggel, nakahanda sa ganu’ng pagkakataong si Erik, hindi siya mang-aabala ng kahit sino para samahan siya sa CR bago kumanta.

Maparaan ang magaling na singer, kahit basyong lalagyan ng mineral water ay puwede na sa kanya, makadyidyinggel siya nang hindi nang-aabala.

Mahal si Erik Santos ng mga Pinoy sa iba’t ibang bansa, patunay nu’n ang katatapos lang nilang concert ni Angeline Quinto sa Winnipeg, Calgary at Edmonton at iba pang mga siyudad sa Canada na soldout at pinalakpakan ng ating mga kababayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending