AJ Dee lalayasan ang showbiz para makasama ang pamilya sa Norway: Ang hirap ng sitwasyon!

aj dee

Tiyak na mas magiging masaya at interactive ang social media sa paglulunsad ng multi-channel network na “Chicken Pork Adobo” ng ABS-CBN.

Dito, pagsama-samahin ang iba’t ibang personalidad na may kakaiba, nakakaaliw, at orihinal na materyal na tatangkilikin ng dumadaming mga Pilipinong nanonood ng videos online.

“Ang Chicken Pork Adobo ang channel kung saan pwedeng sumikat at bumida ang iba’t ibang creators na maaaring walang pagkataong lumabas sa TV.

Sasanayin dito ang creators na ito upang matulungan silang gumawa at mag-produce ng mga materyal at videos na mapapanood online.

Gusto naming ipakita ang talento ng Pinoy hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo,” paliwanag ni Donald Lim, head ng ABS-CBN Digital Media Division.

Sa ngayon, mayroon ng 90 creators ang “Chicken Pork Adobo” na may kanya-kanyang YouTube channels na sakop ang iba’t ibang tema o paksa mula sa toys, fashion, comedy, music, lifestyle, blogs, entertainment, arts and crafts, food hanggang sa parenting at inspirational.

Parami na nga nang parami ang mga Pilipinong gumagamit ng Internet, ayon sa mid-year 2014 data mula sa Internet and Mobile Marketing Association of the Philippines (IMMAP), Anito, 38 milyong Pilipino ang gumagamit ng Internet, at halos 67% sa kanila ay wala pang 30 anyos.

Ayon kay Lim, maaaring hindi lang TV ang paraan para maabot ng ABS-CBN ang mga manonood nito. Aniya, layunin ng “Chicken Pork Adobo” na tulungan ang creators na gumawa ng marka sa Internet at tulungan silang maging superstars sa kahit anumang paraan.

“May iba-iba silang mga manonood, personalidad, at materyal na hindi mailalabas sa TV, pero sa YouTube madami silang fans, sikat sila, nakakabilib, nakakaaliw,” sey ni Lim.

Isa sa mga sumisikat ng creators ng Chicken Pork Adobo ay ang celebrity mom na si Melissa Ricks. Kamakailan lang siya nagbukas ng sariling YouTube channel para ibahagi ang kanyang mommy duties and experiences pero libu-libo na ang kanyang viewers.

Mapapanood din dito ang fashion channel ng utol ni Enchong Dee na si AJ Dee na umaming nagpaplano nang mag-migrate sa Norway kung saan naka-base ang asawang si Olga at mga anak na sina Maximus James at Alexandros Jaden.

“Kasi parang lumalaki na ’yung mga bata, ang dami ko nang nami-miss out, e. Ang hirap, e,” aniya.
Anyway, hindi lang celebrities ang bahagi ng “Chicken Pork Adobo,” dahil kasama rin dito ang YouTubers na mayroon nang sariling fans online o kilala sa kanilang nakakaaliw na videos.

To date, ang Kids’ Toys channel ang may pinakamaraming subscribers at views sa lahat ng channels sa “Chicken Pork Adobo” kung saan bidang-bida ang magkapatid na sina Faye at Laurice Tendilla na nagbubukas ng mga bagong laruan sa kanilang videos.

Inilunsad ito noong May 2012 at sa ngayon ay mayroon nang 1.14 milyong subscribers at halos 1.5 billion na views.

Bahagi rin nito ang creators na sina Lloyd Cadena, isang sikat na YouTuber na naging popular dahil sa kanyang nakakatawang videos tungkol sa pag-ibig, eskwela, at parody videos; “The Soshal Network,” na pinagbibidahan ng tatlong abogadong may nakakaaliw na komentaryo; at ang “Plump Pinay” ni Cai Cortez na tinataguyod ang pagiging komportable sa sariling katawan.

Ang mga interesadong sumali sa “Chicken Pork Adobo” ay maaaring mag-email sa chickenporkadobo@abs-cbn.com. Para sa updates, bisitahin ang “Chicken Pork Adobo Network” sa Facebook at chickenporkadobo.net.

Read more...