Vice ‘iniregalo’ si Ellen Adarna kay Coco bilang leading lady

coco martin

Speaking of “Beauty and the Bestie” nina Vice at Coco, na ididirek ni Wenn Deramas, inamin ni Coco na ninerbiyos siya sa pagsisimula ng shooting nila.

“Excited pero siyempre kinakabahaan ako kasi una ako ‘yung bago sa kanilang dalawa di ba? Dati may nagawa na silang pelikula at siyempre iba ‘yung genre ko, hindi ko alam ‘yung sitwasyon namin sa pagte-taping namin,” kuwento ni Coco sa isang interview.

Maaksyon din daw ang pelikula, sey ni Coco, “Actually mataas ‘yung expectation dito ni Vice kasi eh matagal na niya gusto gumawa, hind naman ng action movie, hindi naman sobra, which is comedy and action.

Talagang nire-require ni Vice na, ‘Ito ah gusto ko action ha ‘yung napapanood natin na hindi pucho-puchong action lang. Gusto ko talaga dito ‘yung nga car chase, tumatalon sa helicopter.’”

Si Ellen Adarna ang magiging leading lady ni Coco sa nasabing MMFF entry, at si Vice raw mismo ang nag-request na isama ang sexy actress sa movie nila.

“Ako talaga nag-request. Gusto ko si Ellen Adarna ‘yung ipa-partner nila kay Coco kasi feeling ko ire-request din niya eh,” ani Vice.

Read more...