TO Aksyon Line,
Sa ngayon ako ay isang bank teller sa bangko. Medyo busy ako sa trabaho kaya walang panahon na magpunta sa SSS para i-verify kung magkano pa ang aking pagkakautang sa SSS dahil gusto ko na sana itong bayaran kahit paunti-unti para hindi na lumaki ang interest. Mayroon na po bang condonation program ngayon ang SSS?
Ano po ang dapat kong gawin? Sana ay matulungan ninyo ako. Jane de Lara
REPLY: Ms. Jane luma-labas sa aming record sa SSS na may loan balance ka pa na P 11,065.00.
Tama ang iyong desisyon na bayaran kahit sa pamamagitan ng instalment basis ang iyong kakulangan upang hindi na madagdagan pa ito ng interest lalo’t ikaw ay nagtatrabaho naman sa nga-yon.
Sa iyong katanungan kung may condonation program, sa kasalukuyan ay wala pang amnesty program o condonation program ang SSS. Agad naman na ipapaalam sakaling magpatupad muli ang SSS ng nasabing programa.
Lumalabas din sa aming record na ikaw ay nakapaghulog na ng 90 months contributions sa SSS.
Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan.
Ms Lilibeth Suralvo
Senior Officer,
Media Affairs
Department
SSS
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.