Kabang-abang na beach volleyball action tampok ang ilan sa mga pinakasikat at pinakamagaling na volleyball players sa bansa ang ihahatid sa unang PLDT Home Ultera PSL Beach Volleyball Challenge Cup 2015, Powered by Smart, Live More!
Siguradong pukpukan ang bawat laban kada Sabado sa pagitan ng 13 na kalahok na teams sa torneyong magbubukas ngayong July 18 sa outdoor sand courts ng Sands by the Bay, sa MOA, Pasay City.
Ilan sa mga tampok na manlalaro na kasado na sa kakaibang beach volleyball tournament na ito ay sina TV personality at hard court head turner Gretchen Ho, PSL Ambassador Charlene Cruz, dating mga Ateneo volleyball stars na sina Charo Soriano at Fille Cayetano, De La Salle University power spiker Wensh Tiu, Filipino-American Alexa Micek, at marami pang iba.
Masusubaybayan ng buong sambayanan ang mainit na volleyball action na ito sa TV5, ang official na Olympic Network ng bansa, kung saan ipapalabas ng live at exclusive ang piling mga laro mula 2:30 p.m. to 4:30 p.m., tuwing Sabado, simula July 18, at sa susunod na tatlong linggo (July 25, Aug. 1 at 8).
Mapapanood rin ang PLDT Home Ultera PSL Beach Volleyball Challenge Cup 2015 via livestreaming sa www.Sports5.ph.