SAS tsugi na, papalitan ng Sunday PinaSaya nina Marian, Ai Ai, Jose, Wally at Julie Anne

marian rivera

Sunday PINASaya ang bagong Sunday show ng Siyete na papalit sa SAS.

Bida rito sina Ai Ai delas Alas, Marian Rivera, Alden Richards, Wally Bayola, Jose Manalo at Julie Ann San Jose na isang comedy variety show at mapapanood nga every Sunday.

Isa itong experiment para sa Sunday viewers ng Siyete dahil may musical at comedy component ang show. Ngayon pa lang ay varied na ang reaction ng mga tao sa social media about this show.

“FLOP!!!! Promote now, Tsugi Soon!!!! kawawa naman mga Stariray na singer singeran at mga agogo Dancer ng Sunday ALL Starlets… madadagdagan na naman mga unemployed sa Entertainment Industry,” one fan said.

Ang paniwala naman ng isa ay “Show come and go… Ganun talaga… Nag iiba panahon at taste ng mga tao… Try to experiment… Go lang:)”

“Meaning surrender na ang GMA sa ASAP kaya wala na silang Concert Party on TV. Ang ipapalit nila ay mala-Comedy Bar. Mga kakornihang jokes at mala-Eat Bulaga rin ang dating.

Boring,” pagtataray ng isa pa. Well, tingnan na lang natin kung ano ang bagong putaheng maibibigay ng show na ito. Nakaka-sad lang na maraming singers ngayon sa Siyete ang mawawalan ng work dahil tsugi na nga ang SAS.

Read more...