Lason na naman: 57 bata isinugod sa ospital dahil sa ‘okoy’

COTABATO CITY – Panibagong food poisoning na naman ang napaulat matapos isugod sa opsital ang 57 estudyante matapos kumain  ng okoy na ibinibenta sa labas ng kanilang paaralan sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat Huwebes.
Sa ulat  ni Senior Insp. Eisbo Llamanzares, Esperanza police chief,  ang mga biktima ay pawang nasa Grade 4, 5 at 6 ng Ala Elementary Schoool.
Dumaing ang mga bata na masakit ang tiyan at ang iba sa kanila ay matindi ang pagtatae dulot ng pagkain ng okoy na nabili nila mula sa tindahan na nasa labas ng kanilang paaralan.
“It could be food poisoning because they complained of abdominal pain and vomiting, these are indicators of food poisoning,” ayon kay Llamanzares.
Sinabi rin ng pulis na kumuha na rin sila ng sample nang nasabing pagkain at ipinadala sa provincial health office para maeksamin.
Ayon pa kay Llamanzares, ngayon lamang nagkaroon ng ganitong insidente nang pagkakalason dahil sa pagkain ng okoy na madalas naman umanong ibinibenta sa mga tindahan at kantina malapit sa eskwelahan.

Read more...