Kalagayan ng Muslim sa bansa halos walang pagbabago- SWS

Social Weather Stations

Social Weather Stations


Wala umanong nakikitang malaking pagbabago sa kalagayan ng mga Muslim sa bansa ang nakararaming Filipino, ayon sa survey ng Social Weather Station.
Tinanong ang mga respondent sa survey kung ‘Sa mga nakaraang taon, wala naman masyadong pagbuti sa kalagayan ng mga Muslim sa bansa’.
Pabor sa pahayag na ito ang 43 porsyento ng mga respondent at 25 porsyento naman ang hindi. Ang undecided ay 30 porsyento.
Hindi nagkakalayo ang mga pabor sa pahayag na ito sa National Capital Region (45 porsyento), iba pang bahagi ng Luzon (43 porsyento), Visayas (43) at Mindanao (44).
Sa tanong na: “Dapat nating gawin ang lahat ng posibleng pagsisikap para mapabuti ang kalagayan ng mga Muslim, kahit na mangahulugan itong mas binibigyang-pabor ang pagtrato sa kanila”, sumagot ang 47 na pabor at 28 posyento ang hindi. Ang undecided ay 24 porsyento.
Pinakamarami ang pabor sa pahayag na ito sa Mindanao at iba pang bahagi ng Luzon na parehong nakapagtala ng 48 porsyento, sumunod ang National Capital Region (46 porsyento) at Visayas (43 porsyento).
Ang survey ay ginawa mula Hunyo 5-8 at kinuha ang opinyon ng 1,200 repsondents mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Read more...