Xian tatapatan ang b-day gift ni Kim

Kim Chiu and Xian Lim

SIGURADONG ngayon pa lang ay atat na atat na ang fans nina Kim Chiu at Xian Lim na mapanood ang bagong teleserye ng rumored couple, ang The Story Of Us under Star TV Creatives.

Noong Huwebes ay ginanap na ang story conference ng nasabing ABS-CBN series na dinaluhan nga nina Kim at Xian at ng production staff ng Star TV.

Sa paunang patikim ng magka-loveteam, malaki ang magiging partisipasyon ng karagatan sa kanilang bagong serye. Bukod pa sa pagte-taping nila sa Palawan at sa Amerika.

Kinailangan pa kasing sumailalim sa skindiving lesson ang dalawa para mas lalo raw silang gumaling sa paglangoy. Sabi nga ni Xian sa isang interview, bagay na bagay sa kanila ni Kim ang mga karakter nila sa nasabing show dahil pareho silang mahilig sa dagat.

Level-up na rin daw ang mga role nila sa serye. Ani Kim sa interview ng ABS-CBN, “Heto na ang matagal nilang hinihintay.

Meron na kami ulit teleserye ni Xian together and sobra kaming na-e-excite kasi nakita na namin yung cast parang ang bibigat nilang kasama pero parang nakaka-excite magtrabaho with them.”

Kuwento naman ni Xian, “Ang exciting part dito is katulad nu’ng sabi ni Kim, yung balik tambalan namin. Yun yung talaga nakaka-excite.

It’s a story of two lovers na eventually mag-se-separate because of different circumstances and finding their way back together.

Yun yung aabangan ng mga tao, how the story unfolds, how our characters reconnect.” Muli, nagpasalamat si Xian sa birthday surprise party na iniregalo ni Kim sa kanya kamakailan.

Sobrang na-touch daw talaga siya sa gesture ng kanyang ka-loveteam. Pangako naman ni Xian, sa birthday ni Kim sa April next year, mas pag-iisipan niya ang ireregalo sa dalaga, “Hindi naman pressure pero siyempre mas gagandahan ko pa.”

Ang The Story Of Us ay ididirek ni Mae Cruz-Alviar, kung saan makakasama rin sina Bryan Santos, Susan Africa, Nonong “Bangkay” de Andres, Aiko Melendez, Zsa Zsa Padilla at Zaijian Jaranilla.

Read more...