Daniel muling pinaligaya ang mga girls at mga 'pa-girl' | Bandera

Daniel muling pinaligaya ang mga girls at mga ‘pa-girl’

Ervin Santiago - July 16, 2015 - 02:00 AM

daniel padilla

TODO ang pasasalamat ni Jodi Sta. Maria sa magagandang mensahe sa kanya ni Eula Valdez bilang bagong Amor Powers sa Primetime Bida series na Pangako Sa ‘Yo sa ABS-CBN. Si Eula ang gumanap na Amor noon sa original version nito.

Ayon kay Jodi, natutuwa siya sa mga nababasa niyang komento ng mga manonood sa pagganap niya bilang Amor Powers sa PSY nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, kabilang na nga riyan ang mga naging pahayag ni Eula.

“Napanood ko nga yung kanyang komento na gawin ko lang kung ano ang tama. Miss Eula Valdes, maraming-maraming salamat po,” sey ni Jodi sa isang interview.

Kung matatandaan, ang muling paglabas ng karakter ng girlfriend ni Jolo Revilla sa episode ng PSY last Friday ang nakakuha ng pinakamataas na rating mula nang magsimula ang serye.

Abangan daw dapat ng viewers ang muling pagkikita nila ni Eduardo Buenavista (Ian Veneracion) at Madam Claudia (Angelica Panganiban), “Exciting na istorya, yun ang aabangan niyo sa pagbalik ni Amor at tingnan natin kung paano siya maghihiganti sa mga Buenavista.”

Samantala, tiyak na nagpiyesta na naman ang mga girls and gays sa hubad na katawan ni Daniel sa PSY kagabi. Siguradong nanggigil na naman sila sa ipinakita ni DJ! Sabi nga ng ilang beki na naglalaway sa binata, sana raw sa susunod naka-boxer shorts o swimming trunks na ang Teen King para naman mas ma-inspire sila. Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending