Sobrang na-miss ang isa't isa: Bong, Mang Ramon nagkaiyakan sa loob ng ospital | Bandera

Sobrang na-miss ang isa’t isa: Bong, Mang Ramon nagkaiyakan sa loob ng ospital

Cristy Fermin - July 16, 2015 - 02:00 AM

bong revilla

Maraming salamat sa Sandiganbayan dahil pinayagan nilang makadalaw si Senador Bong Revilla sa maysakit niyang ama sa ospital. Limitado lang ang oras, pero pinasalamatan pa rin ‘yun ng aktor-pulitiko, dahil nagkita silang mag-ama.

Isinugod sa St. Luke’s Medical Center sa Global City si dating Senador Ramon Revilla, Sr. dahil sa biglang pagbagsak ng kanyang katawan.

Taon na ang binibilang ng kanyang pagkakasakit pero pagdating sa kanilang ama ay sobrang sensitibo ang magkakapatid na Revilla.

Agad-agad na nag-file ng mosyon ang nakapiit na senador para payagan siyang masilip man lang ang kanyang ama, pinagbigyan naman siya, kaya nagkaroon nang limang oras si Senador Bong para makasama si Tito Ramon.

Gumaganda ang kundisyon ng pasyente kapag nakikita nito ang kanyang mga mahal sa buhay, may kakaibang positibong epekto para sa maysakit ang presensiya ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya, mahirap ipaliwanag pero totoo ‘yun.

Natural lang na naging emosyonal si Senador Bong sa pagkikita nilang mag-ama, umiyak si Tito Ramon, matagal na kasi nitong gustong makita ang nakapiit nitong anak sa Camp Crame.

Harinawang maging maayos na ang sitwasyon ng matandang Revilla para matagal na panahon pa silang magkasama-sama ng kanyang mga anak na sobra-sobrang nagmamahal sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending