NA-COMATOSE si dating Maguindanao governor at umano’y utak ng massacre sa Maguindanao na si Andal Ampatuan Sr. matapos ang “massive heart attack,” ayon sa kanyang abogado.
Sa isang panayam ng Radyo Inquirer 990 AM, sinabi ni Atty. Salvador Panelo na inilipat si Ampatuan sa intensive care unit (ICU) ng the National Kidney and Transplant Institute (NKTI) kung saan siya nakaratay dahil sa advanced liver cancer.
“Last Monday, he suffered a massive heart attack. That is why he is in a comatose stage right now. He was rushed to the ICU on Sunday, (and) he has been in a coma for four days,” sabi Panelo.
Idinagdag ni Panelo na pinayagan ng korte ang anak ni Ampatuan at kapwa akusado na si Datu Unsay Andal Ampatuan Jr. para mabisita ang kanyang ama ng dalawang oras mula alas-4 ng hapon hanggang alas-6 ng hapon noong Martes.
Aniya, naging emosyonal naman si Andal, Jr. nang makita ang ama.
“Umiyak si Datu Unsay. Niyakap niya yung ama niya. Tapos kinakausap niya, binubulungan niya,” dagdag ni Panelo.