Plunder vs DBP officials dahil sa sobrang bonus
Inireklamo ng plunder sa Office of the Ombudsman ang mga opisyal ng Development Bank of the Philippines kaugnay ng tinanggap umano nilang P312 milyong bonus noong 2014.
Ang mga inireklamo ay sina DBP president Gil Buenaventura, chairman ng DBP Board of Directors na si Jose Nunez Jr., at DBP Directors Reynaldo Geronimo, Daniel Laoagan, Lydia Echauz, Alberto Lim, Raul Serrano, Vaughn Montes at Cecilio Lorenzo.
At iba pang opisyal na sina Fritzie Tangkia-Fabricante, Donna Shotwell, Ma. Teresa Jesudason, Ma. Teresa Atienza, Benel Lagua, Anthony Robles, Perla Melanie Caraan, Rafael Danilo Ranil Reynante, Cris Cabalatungan, Susan Prado, Alexander Patricio, Dennis Decena, Marietta Fondevilla, Isidro Sobrecarey at mga miyembro ng DBP Management Committee.
At mga opisyal ng Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corporations na sina Cesar Villanueva, Ma. Angela Ignacio, Ranier Butalid, at Paolo Salvosa.
Ang reklamo ay inihain ni DBP vice president Mario Pagaragan Jr. at Atty. Francis Romulo Badilla, Jr., dahil labis umano ang ibinigay na performance-based bonus ng mga inirereklamo sa kanilang sarili.
“Said officials, allegedly in connivance with other Top Officials of DBP and Officials of the GCG, illegally conspired to defraud the Filipino People and the Philippine Government by disposing of money owned by the Philippine Government in the total amount of P312.077 million,” saad ng reklamo.
Ayon sa GCG memorandum circular ang pinapayagang performance-based incentives sa mga kumitang kompanya ng gobyerno ay 2.5 porsyento ng kanilang buwanang suweldo.
Pero binigyan umano ng GCG ang mga opisyal ng DBP ng 12 beses ng kanilang sahod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.