PROBLEMADO ang isang broadcast executive dahil tatakbong gobernador sa isang lalawigan sa Luzon ang kanyang dating bestfriend.
Ngayon pa lamang kasi ay nagbanta na ang makakalabang pulitiko na hahalukayin niya ang lahat ng mga kaso at eskandalo na kinasa-sangkutan ng kaibigan ni broadcast executive oras na magdeklara na ito ng kanyang kandidatura.
Ayaw nang balikan ng dating magkaibigan ang madilim na bahagi ng kanilang buhay lalo na noong dekada 80.
Wala itong kinalaman sa Martial Law kundi sa kanilang mga kalokohan na kinasangkutan.
Bukod sa nalulong sa halos ay lahat ng bisyo na available sa ibabaw ng mundo ay nasangkot din sila sa gangrape kung saan ang biktima ay isang babaeng may kapansanan.
Tulad ng inaasahan ay hindi umusad ang kaso dahil ang mga sangkot dito ay pawang mula sa mga maimpluwensiyang pamilya sa bansa.
Noong panahong iyun ay naging laman sila ng mga balita pero hindi nagtagal ay unti-unti rin itong nakalimutan ng publiko.
Fast forward tayo. Noong maging kongresista ang BFF ni broadcast executive sa panahon ng nakalipas na administrasyon ay muling nahalungkat ang kanilang kaso lalo na nang maging kasangga at kapartido ni Mr. Politician ang dating pangulo.
Lahat ng paraan pati na ang cyber manipulation ay kanilang ginawa para mawala ang kanilang records lalo na sa online community.
Dahil sa labis na kahihiyan at sa pwedeng maging negative effects nito sa kanilang negosyo ay isinumpa nila na gagawin nila ang lahat para maging malinis ang kanilang mga pangalan sa paningin ng publiko.
Pati ‘yung babaeng polio victim na nauna nang sinabi na biktima ng gangrape ay hindi na rin nagpakita pa sa publiko at nanatiling tahimik na lamang kaugnay sa naturang kaso.
Pero dahil sa pulitika ay nanganganib na muli na namang maibu-buyangyang sa publiko ang kanilang madilim na nakaraan at ‘yan ang pinababantayan ngayon ng executive na ito sa kanyang mga pinagka-katiwalaang tauhan.
Ang kabadong broadcast executive na ating tinutukoy ay si L.G…as in Lovely Girl.
Samantalang ang kandidato na nagha-handa na sa muling pag-ungkat sa rape case na kanilang kinasa-sangkutan ay si A.R….as in Anti-Rape.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.