3 ang SSS number

AKO si Miguel Bayani Putong. Kamakailan lamang ay nagretiro ako sa aking pinagtatrabahuhan pero hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakakuha ng pensyon. Gusto po sanang malaman ang status ng contributions ko. Malaking tulong ang makukuha ko sa pension para pang maintenance ko ng gamot sa aking sakit na diabetes. Sana ay matulungan ninyo ako. Maraming salamat.
Miguel

REPLY: Para sa iyong katanungan G. Miguel. Lumalabas sa aming record na tatlo ang iyong SSS number. Marahil ay sa tuwing papasok ka sa bagong trabaho ay kumukuha ka rin ng bagong SSS number kaya lumalabas na tatlo ang iyong number.

Noong hindi pa on-line ang anumang transaksyon sa SSS ay nakakalusot pa ito, pero ngayong on-line na ito ay hindi na maaaring magtaglay ng dalawa o higit pang SSS number ang isang miyembro.

Pinapayuhan ka namin na magtungo sa pinakamalapit na SSS branch sa inyong lugar magdala ng birth certificate o baptismal certificate upang maayos ang iyong record.

Sa pamamagitan nito ay makikita na rin natin ang iyong kontribusyon, kung naghuhulog ang iyong employer at kung kwalipikado ka sa monthly pension.

Kung kwalipikado sa pension ay malalaman din kung magkano ang makukuha mo para sa buwanang pension.

Maaari rin naman itong lump sum, ngunit kung may loan balance ay kinakailangan itong ikaltas
Sana ay nasagot namin ang iyong
katanungan
Ms Lilibeth Suralvo
Senior officer,media affairs department
SSS

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...