Ka-LDR may ibang GF

GOOD morning po Manang Pher! I really love my boyfriend pero LDR (long distance relationship) kami kaya naghanap siya nang iba. Ngayon ay may GF na siya pero kami pa rin. Hindi ko kasi siya kayang hiwalayan. Kababata ko rin kasi siya.
Kahit palagi niya akong nasasaktan ay patuloy ko po siyang minamahal. Sabi po niya ay mahal naman niya ako at magtiwala lang daw ako sa kanya. Ano po ba ang gagawin ko?
Jenneath
ng Caloocan

Hello, Jenneath ng Caloocan! Wala naman sanang problema sa LDR o “long distance relationship” pero I think hindi okay na hindi siya loyal sa iyo. E ano naman kung kababata mo siya? That doesn’t hold anything dahil nanloko siya… niloko ka niya.
Gising na girl and realize na hindi siya tama para sa iyo. Kung mahal at importante ka sa kanya, hind niya magagawa ang magtaksil. Iba ang sinasabi sa ginagawa.
My dear, find someone who is more worthy of your love.
Huwag mo nang pag-aksayahan ng oras ang taong hindi naman nagawang pahalagahan ang feelings at pagtitiwala mo. Cheaters will always cheat.

Payo ng tropa
Hi Jenneath,
When it comes sa situation mo, mahirap kasing nasa malayo sa iyo dahil hindi mo alam kung ano talaga ang mga ginagawa niya dahil malayo siya at sabi mo nga sinaktan ka dahil nakahanap na ng iba.
Panahon na para mag-move on ka, mas marami pang lalaki na mas deserve mo, ‘wag kang matakot magmahal ulit.
And remember, long distance relationship is not going to work without love, loyalty and trust. Okie? Good luck!
Ate Jenny
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or jenniferbilog@yahoo.com.ph o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Read more...