Last Sunday din sa aming programa ni partner Gretchen Fullido na “Chismax” sa DZMM Teleradyo, ay nakaharutan (read: kulitan lang ang peg! Ha-hahaha!) si Papa Piolo Pascual, na noo’y nasa Hongkong.
Nanonood pala sila ng mga kasama niyang Star Cinema executives ng DZMM at tiyempo namang ang programa namin ang umeere.
Katatapos lang daw ng matagumpay na international screening ng “The BreakUp Playlist” movie nila ni Sarah Geronimo.
“They have the same reactions. Mas matindi nga lang ang mga sigawan at hiwayan ng mga kababayan natin dito,” kuwento pa ni Papa P sa amin hinggil sa reaksyon ng Hongkong fans/supporters sa movie nila.
Kinantiyawan pa kami nito na marami kaming nami-miss ni Gretchen dahil inamin naming tumitiyempo pa kami ng iskedyul para mapanood ang movie nila ng Pop Princess na ngayon nga’y lampas hundred million na ang gross.
Still on Papa P, pagbalik pala niya ay agad siyang tutungo sa Sorsogon para tapusin ang mga eksena niya sa Lav Diaz indie film na pagsasamahan nila ni John Lloyd Cruz for the first time along with other tested thespians gaya nina Ronnie Lazaro, Angel Aquino at marami pang iba.
“I fell in love with the story na pinaghalong reality-history-literature na may adventure. Napakaganda pa ng location namin sa Bulusan, Sorsogon, plus puto heavyweight sa pag-arte ang mga makakasama namin. Kakaiba naman ito,” sey ng aktor.
Mayroon din siyang upcoming soap opera kung saan makakasama naman niya sina Sam Milby, Toni Gonzaga at Jolina Magdangal. Ito nga yung Written In Our Stars na mapapanood na natin very soon.
At dahil kilala nating very athletic at sporty si Piolo, nakatakda rin siyang sumali sa Iron Man tour na gagawin this year sa Cebu City.
“Dapat din tayong mag-prepare para du’n. Ibang pisikalan at game naman yun kaya dapat fit na fit at strong tayo,” dagdag pa nito.
Kaya nga nang i-segue namin ang tanong kung meron pa siyang time na hanapin ang magiging kahati ng kanyang puso, natawa ito sabay sabing, “Baka sa tulog ko na lang gawin iyan.
Idaan na lang muna sa panaginip sa ngayon. Ha-hahaha!”