Payo kay Jiro: Wag sayangin ang tulong ni Ai Ai | Bandera

Payo kay Jiro: Wag sayangin ang tulong ni Ai Ai

Ervin Santiago - July 15, 2015 - 02:00 AM

aiai delas alas

MARAMING humanga sa ginawang pagtulong ni Ai Ai delas Alas sa kanyang anak-anakan na si Jiro Manio. Nangako kasi ang Comedy Queen na siya muna ang tatayong ina para sa problemadong aktor.

Kaya ang dasal ng madlang pipol, sana raw ay huwag nang sayangin ni Jiro ang tulong ni Ai Ai at maging tuloy-tuloy na ang kanyang pagbabagong-buhay.

Sana raw ay huwag nang mauwi sa wala ang panibagong chance na ipinagkaloob sa binatang ama.
Samantala, sa pagpapatuloy naman ng GMA Telebabad series ni Ai Ai na Let The Love Begin with Ruru Madrid and Gabbi Garcia, narito ang kailangan n’yong tutukan tonight: Makakatikim ng matinding pananakit si Pia mula sa magtiyahin at hindi niya inaasahang ikulong siya ng mga ito sa isang bodega na pinamamahayan ng ipis at daga.

Manginginig siya sa takot at susubukang pakalmahin ang sarili. Malungkot naman si Erick sa nangyari kay Pia. Kahit sa trabaho ay dala-dala pa rin ni Jeni ang pag-aalala para sa kumareng si Sophie at sa inaanak na si Pia.

Dadalaw si Atty. Taro kay Celeste para ipakita ang drafted affidavit sa pagsasampa ng kasong frustrated murder kay Sophie. Kasama ni Atty. Taro ang anak na si Uno.

Nang ilabas ni Celeste mula sa bodega si Pia ay mtamlay na matamlay ito. Sa harap ni Tony ay sasabunutan ni Celeste si Pia para lang pumirma ito sa papeles na maglilipat ng pera ni Tony sa Celestial Publishing papunta kay Celeste.

Ayaw pa sanang maglagay ng thumbmark ni Tony pero dahil sa lalong pananakit ni Celeste kay Pia ay mapipilitan na itong pumirma.

Iyak lang ng iyak ang mag-ama habang awang-awa naman sa kanila si Pepper. Saka lang naintindihan ni Luchie kung bakit pinabalik pa ni Celeste si Pia.

Ito ay para gamitin at ipanakot kay Tony sa paglilipat ng mga ari-arian at yaman nito kay Celeste.
Malilinawan naman si Pepper na si Celeste talaga ang masama lalo na nang ipaliwanag ni Pia na binaliktad nito ang nangyari sa pagbaril dito ni Sophie.

Sasabihin ni Pepper na tumakas si Pia dahil alam nitong wala siyang magagawa habang nasa loob ito ng pamamahay. Mapapaisip si Pia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nang dumalaw sina Jeni at Erick kay Sophie sa bilangguan, madadatnan nila doon sina Rosa at Milton. Hindi pa rin mapanatag ang kalooban ni Sophie na nakuha ni Celeste si Pia.

Tatawagan ng mga ito si Pia. Dito na magdedesisyong tumakas si Pia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending