Vina atat na atat nang magkadyowa uli
Ready to get involved with a man ulit ang aktres-singer na si Vina Morales. Siya mismo ang nagsabi niyan in one of her recent interviews. And why not?
Ang tagal na rin namang walang karelasyon si Vina pagkatapos silang magkahiwalay ng ama na kanyang anak at nadawit sa eskandalong Vhong Navarro-Denice Cornejo na si Cedric Lee.
For the past years ay binuhos lang ni Vina ang pagmamahal niya sa kanyang anak na si Ceana. Kasabay nang pagpapalaki niya na mag-isa kay Ceana ang pagharap sa kanyang showbiz career.
At present, kasama si Vina sa top-rating afternoon drama series ng ABS-CBN na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita with Christian Vasquez, Denise Laurel, Jerome Ponce, Loisa Andallo, and Jane Oineza.
Last Friday ay pumalo sa 18.4% ang rating ng serye. This is so far the highest rating na nakuha ng NKNKK na napapanood araw-araw pagkatapos ng Flordeliza sa ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.