Kapamilya actor pinagbawalan ni Anne na manligaw kay Jasmine | Bandera

Kapamilya actor pinagbawalan ni Anne na manligaw kay Jasmine

Julie Bonifacio - July 15, 2015 - 02:00 AM

jasmine curtis

NOW it can be revealed na sinabihan pala ni Anne Curtis ang Kapamilya star na si Arron Villaflor na huwag munang ligawan ang younger sister niyang si Jasmine Curtis.

Bago pa man naging boyfriend ni Jasmine si Sam Concepcion, plano na ni Arron na maging girlfriend ang kapatid ni Anne.

“Sabi niya (Anne) sa akin, ‘Work ka muna. Work ka muna.’ Ni-respect ko naman,” lahad ni Arron.
Unang nagkita sina Arron at Jasmine noong may show ang Kapamilya actor sa Negros kung saan kasama rin sa performers si Anne.

Parang 14 years old pa lang daw si Jasmine noon.“Then, naalala ko pa noon, basta labas siya nang labas sa kwarto niya kasi nasa labas ako.

Tapos parang titingin siya. Parang ano nga, high school crush ang feeling. Tinanong ko kung sino ang babeng ‘ to?”

May nagsabi sa kanya na kapatid nga ni Anne si Jasmine. After three years nagkita raw ulit sila sa ABS-CBN at siya na ang nagpakilala kay Jasmine.

“Doon nag-start, tapos hiningi ko ‘yung Facebook niya, nag-usap kami. Hindi pa sila ni Sam. At hindi pa nga yata sila magkakilala ni Sam that time,” kuwento ni Arron.

Busy pa noon si Jasmine sa pag-aaral niya sa Australia at gayundin si Arron. “May school ako noon, may career. Wala rin akong girlfriend that time.

‘Then I’ll be in the Philippines after two weeks,’ sabi niya sa akin. Then, biglang naputol din,” malungkot na kwento niya.

Sa ngayon, wala raw chance na magkita sila ni Jasmine. Although, may nakapagsabi sa amin na kinukuha si Arron ng production team ng Lola Basyang.com na show sa TV5 bilang kapareha ni Jasmine sa kanilang pilot episode.

Sad to say, hindi pinayagan si Arron ng Star Magic dahil sa prior commitment ng binata. Galing sa isang disenteng pamilya si Arron from Tarlac.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Architect ang kanyang ama at businesswoman ang kanyang ina. Ang bunso niyang kapatid ay nagtapos ng nursing sa isang reputable school sa Manila at si Arron ay tinatapos ang kurso niya sa kolehiyo.

Bukod diyan, nakapagpatayo na rin si Arron ng tatlong townhouse sa Tarlac. Ang daddy daw niya ang nag-design ng townhouse and hopefully, madadagdagan pa ‘yan this year.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending