8 nalason sa ube cake

ube cake

ILOILO CITY— Pitong bata at isang nanay ang isinugod sa ospital nitong Lunes matapos malason sa umano’y kinaing homemade na ube cake roll sa bayan ng Oton.

Ang mga bata na may eada 3 hanggang 12 ay mga estudyante ng Pakiad Elementary School sa Oton, at ang ginang na sin Evelyn Mirasol, 56, ay dinala sa Western Visayas Medical Center sa Iloilo City.

Ayon kay Gerry Gayoma, Pakiad Elementary School principal, ang ube roll cake na may chocolate filling ay dinala at ibinenta ng isa sa mga estudyante ng paaralan.

Nalason ang ginang na si Mirasol matapos siyang uwian ng cake na dala ng kanyang anak mula sa eskwela.

Dinala ang mga biktima sa ospital sa pagitan ng alas-10 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi matapos makaranas nang matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae, ayon kay PO2 Ma. Ellen Doliguez ng Oton police Women and Children’s protection desk.
Nakilala ang mga biktima nang pagkakalason ay ang mga magkapatid na Micha at Frednel Castillo;  John Arken at John Yuan Estil, at John Fritz Gilladoga.

Ang magkapatid na sina Eljhay Len and Eljhay Nino Jamoles at si Mirasol ay patuloy pa ring inoobserbahan sa ospital samantala ang iba ay napauwi na.

Ayon kay Dr. Jesse Glen Alonsabe, Department of Health Western Visayas spokesperson,  kumuha na sila ng samples ng ube chocolate roll at naipadala na sa Research Institute for Tropical Medicine sa Maynila para sa laboratory test.

Ang resulta ay mailalabas matapos ang dalawang araw.

Read more...